Nakakulong na 24 Filipinos pinalaya ni Russian President Putin

METRO MANILA, Philippines — Pinalaya ni Russian President Vladimir Putin ang 24 na Pilipino na nakakulong sa Irkutsk, Siberia, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Marcos ang anunsyo sa pagtatapos ng kanyang pagbisita sa Russia, at aniya, idinulog niya kay Putin ang kondisyon ng mga nakakulong na Pilipino sa kanilang pag-uusap.
“Nagulat din siya. Sabi niya,‘Hindi ko alam ‘yan. Pag-aaralan namin. Titingnan namin ang nangyayari,” sabi ni Marcos.
BASAHIN: Disenteng trabaho sa mga Pilipino ipinangako ni Pangulong Marcos
Idinagdag pa ng punong ehekutibo na sa pakikipag-hapunan ni Putin sa iba pang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), kinausap siya nito muli ukol sa kondisyon ng mga nakakulong na Pilipino.
Ibinahagi ni Putin na nakakulong ang mga Pilipino nang walang kaso sa nakalipas na siyam na buwan.
Sa pagkakataong ito, umapela na si Marco kay Putin, at bago pa makabalik sa Pilipinas ay nalaman niya na pinalaya na ang 24.
“And now, the 24 Filipinos will be released. They are ready for deportation tomorrow by 5 p.m. So those 24 will be going home, back to the Philippines and back to their families,” pagbabalita ni Marcos Jr.
Nabatid ng Radyo Inquirer na ang 24 na Pilipino ay nabiktima diumano ng mga illegal recruiter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.