Kuwait, nagtalaga na ng minimum wage para sa mga domestic workers

kuwait flag
kuwaitflag.facts.co

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpatupad na ng minimum wage para sa mga domestic workers ang pamahalaan ng Kuwait.

Inilathala na ng Kuwaiti Interior Ministry sa kanilang website ang bagong patakaran para sa mga employment agency.

Base dito, ang minimum wage ng isang domestic worker ay hindi dapat bababa sa 60 Kuwaiti dinars o nasa $198 kada buwan.

Ito’y kasunod ng ipinatupad rin na batas noong nakaraang taon kung saan nakasaad na dapat mabigyan ng 30 days paid leave kada taon ang isang kasambahay, weekly day off at 12 oras na pagta-trabaho na may kasamang pahinga sa isang araw.

Ang Kuwait ang pangalawang bansa sa Gulf na may pinakamaraming domestic workers na nasa 660,000 ang bilang.

Kabilang sa mga ito ay mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa Kuwait sa pag-asang mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Read more...