Driver ng truck na umararo sa mga tao sa Nice, kinilala na

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2016 - 06:04 PM

AFP PHOTO / Valery Hache
AFP PHOTO / Valery Hache

Tinukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng truck na umararo sa mga taong nagsasaya sa pagdiriwang Bastille Day sa Nice, France.

Nakilala ang lalaki na si Mohamed Lahouaiej Bouhlel, 31-anyos at isang French-Tunisian.

Si Bouhlel ay nakilala matapos makita ang kaniyang ID sa loob ng truck.

Aabot sa 84 na katao ang nasawi sa pagsagasa ng lorry truck na minamaneho ni Bouhlel sa mga taong nagdiriwang sa kasalda at nanonood ng fireworks display.

Nagtatrabaho si Bouhlel bilang delivery driver at ayon sa mga otoridad, wala itong record sa anti-terrorism police.

Sa inisyal na impormasyon, planado ang insidente at maaring nirentahan umano ang truck sa isang bayan na kalapit ng Nice.

Inaalam pa kung may ibang kasabwat si Bouhlel.

 

 

TAGS: Nice France attack, Nice France attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.