Kaso laban sa 4 na Chinese nationals na nahuli sa Zambales, isasampa na sa korte
Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang apat na Chinese Nationals na naaresto sa isang floating shabu laboratory sa Subic, Zambales.
Aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano ang pagsasampa ng kasong paglabag sa section 8 at 11 ng Republic Act 9165 na may kinalaman sa manufacture at possesion ng iligal na droga ang kinakaharap ng mga suspek na sina Leung Shu Fook, Kwok Kam Wah, Lo Wing Fai at Chan Kwok Tung.
Base sa walong pahinang resolusyon ni Senior State Prosecutor Juan Pedro Navera, nakitaan ng probable cause para makasuhan ang mga ito sa Olongapo City Regional Trial Court.
Nakasaad sa resolusyon na ang hydrogenetor na natagpuan sa loob ng nasabing barko ay mahalagang gamit sa paggawa ng shabu at ito ay isang ebidensya na ginagawang laboratoryo ang nasabing sasakyang pandagat.
Naaresto ang apat noong Lunes ng gabi sa loob ng isang barko at nakuhanan ng 467.9 gramo ng shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.