Pag-angkat ng petrolyo itinigil muna, imbakan mapupuno na – DOE

By Jan Escosio April 28, 2026 - 11:17 AM

PHOTO: Department of Energy facade and logo

METRO MANILA, Philippines — Hindi na muna aangkat ng petrolyo ang gobyerno sa susunod na buwan dahil malapit nang mapuno ang mga imbakan, ayon sa Department of Energy (DOE).

Kasunod ito ang pagdating ng karagdagang 900,000 bariles ng diesel o krudo ngayong buwan.

Sinabi ni Energy Undersecretary Alessandro Sales na halos wala nang espasyo para sa buffer stock ng petrolyo na binibili ng gobyerno.

Nabatid na hanggang noong nakalipas na Abril 24, tatagal hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ang nakaimbak na mga produktong petrolyo.

BASAHIN: DOE sinigurado ang sapat na suplay ng produktong petrolyo

Ang reserba ng gasolina at diesel o krudo ay tatagal ng 54 na araw, samantalang 168 na araw naman ang itatagal ng nakaimbak na gaas o kerosene, samantalang 38 na araw sa  liquefied petroleum gas (LPG).

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ang kapasidad ng mga imbakan ng mga petrolyo sa Pilipinas ay hanggang 60 na araw lamang.

Bunga nito, sinabi ni Garin, na sa kanilang palagay ay hindi kailangang mag-angkat muli ng karagdagang suplay ng petrolyo.

TAGS: Department of Energy, fuel imports, petroleum imports, Department of Energy, fuel imports, petroleum imports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.