El Niño ‘worst-case scenario’ pinaghahandaan ng DA – Laurel

By Jan Escosio April 27, 2026 - 10:01 AM

PHOTO: Francisco Tiu Laurel Jr.
Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. — INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Agriculture ang paghahanda sa “worst-case scenario” na idudulot ng mararanasang  El Niño episode ngayong taon.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francis Tiu-Laurel na pinag-aaralan na ng kagawaran ang mga  istratehiya sa pagtatanim base sa pag-ulan upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Kabilang na aniya ang pagtatanim ng mga pananim na hindi mangangailangan ng maraming tubig, gayundin ang pagbabago sa panahon ng pagtatanim at paggamit ng solar-powered irrigation systems para magkaroon ng irigasyon sa mga taniman kasabay ng pagtitipid sa kuryente.

BASAHIN: Pagasa itinaas ang El Niño alert, tagtuyot sa Hunyo 

Inaasahan na rin ng DA na uulitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bilin na tiyakin ang seguridad ng pagkain sa bansa sa lahat ng panahon sa pamamagitan ng sapat na irigasyon at tulong sa mga magsasaka.

Ayon pa kay Tiu-Laurel, inatasan na niya ang kanilang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na maghanda, katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PRRI), sa pagtitiyak sa suplay ng bigas, bunga na rin ng mga dagdag gastusin sa bahagi ng mga magsasaka.

Una nang nagbilin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na umakyat na sa 92% ang posibilidad na makaranas ng El Niño episode ang bansa.

Hindi isinasantabi na ang mararanasan ay “super El Niño” na nangangahulugan ng mas mataas na temperatura na magdudulot ng kabawasan sa inaasahang pag-ulan at  sa suplay ng tubig.

Noong 2024, bumaba ng 2.2% ang produksyon sa sektor ng agrikultura dahil sa naranasang tag-tuyot.

TAGS: Francis Tiu-Laurel, Francis Tiu-Laurel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.