Palasyo sa NBI: Silipin isiniwalat na ‘kill plot’ sa pangulo

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ng Malacañang ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang ibinunyag na diumano’y planong pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kahapon sa pagharap sa House justice committee, sinabi ni Ramil Madriaga, ang dating “bagman” daw ni Vice President Sara Duterte, na may napag-usapan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang retiradong opisyal ng militar ang pagpapatalsik kay Marcos sa Malacañang.
Kabilang sa napag-usapan, ayon pa rin kay Madriaga, ang pagpatay kay Marcos.
BASAHIN: P125-M confi funds ni VP Duterte limas ng 24 oras – ex-bagman
Sinabi ni Castro na kasama sa responsibilidad ng NBI ang pag-iimbestiga sa anumang banta laban sa pangulo ng bansa.
Idiniin niya na hindi na kailangang ipag-utos pa ito ni Marcos.
“Ang NBI na po ang dapat mag-imbestiga nito. Hindi na po kailangang mag-utos ang Pangulo; mayroon po kayong obligasyon na imbestigahan ito,” ani Castro, patukoy sa NBI.
Pag-amin nito, walang alam si Marcos Jr. hinggil sa diumano’y planong pagpatay sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.