Sa press conference sa Department of Health, sinabi ni FDA Acting Deputy Director General Maria Lourdes Santiago posibleng sa taong gumawa o nag repack ng candy nanggaling ang nasabing bacteria.
Nagsagawa aniya sila ng testing na may kaugnayan sa microtoxins pero negatibo ang resulta nito.
Samantala, ayon naman kay Health Secretary Janet Garin inaantay pa nila ang resulta ng isinagawang pagsususuri kung kontaminado ng pestisidyo ang mga candy.
Sinabi ni Garin na nahirapan din sila sa isang brand ng candy dahil sa mas kakaunti ang samples kaya hindi ganoon kadaling suriin.
Sa halos 2,000 nalason ng candy, sinabi ng kalihim na isa na lamang ang nananatili sa ospital at malapit na rin itong makalabas. / Erwin Aguilon