Direk Brillante Mendoza at Sec. Martin Andanar, nagpulong na para sa SONA ni Duterte

PCO PHOTO
PCO PHOTO

Ngayon pa lamang ay todo handa na ang palasyo ng malakanyang para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 25.

Katunayan, nagpulong na kahapon ang highly-acclaimed director na si Brillante Mendoza at si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar.

Kasama rin sa pagpupulong si PCO Assistant Secretary Ramon Cualoping III, na siyang in-charge sa planning ng SONA.

Matatandaang hiningi ni Andanar ang tulong ni Mendoza para maging direktor sa SONA ng pangulo.

Paliwanag ni Andanar, ang kailangan sa SONA ay maikonekta ng diretso ng pangulo sa taong bayan ang kanyang ilalatag na mensahe para sa bansa.

Sinabi naman ni Mendoza na ipakikita niya sa taong bayan ang tunay na Duterte oras na magbigay na ito ng kanyang pag-uulat sa bayan.

“SONA is when you communicate directly to the people. I think that’s how he wants it. When you communicate you interact and that’s what he wants and I want to capture that,” ayon kay Andanar.

Matatandaang si Mendoza ang bukod tanging Filipino na nanalo bilang Best Director sa Cannes Film Festival para sa kanyang pelikulang “Kinatay” noong 2009 at ang pinakahuli nga ay ang pelikulang Ma Rosa na nagbigay naman ng best actress award kay Jaclyn Jose./ Chona Yu

 

 

Read more...