Trak na umararo sa daan-daang katao sa Nice, France, puno ng armas at mga granada
(UPDATE) Kinumpirma ni Nice, France Mayor Christian Estrosi na puno ng armas at mga granada ang loob ng trak na umararo sa mga turistang dumadalo sa selebrasyon ng “Bastille Day” sa nasabing lugar.
Tinawag ni Estrosi na “worst tragedy” sa history ng Nice ang naganap na pag-atake.
Kinumpirma naman ng mga otoridad na napatay nila ang lalaking driver ng trak.
Umabot umano sa dalawang kilometro ang layo ng itinakbo ng trak sa kahabaan ng Boulevard des Anglais kung saan nagtitipon-tipon ang mga nanonood ng fireworks.
Sa ngayon, pumasok na sa imbestigasyon ang mga anti-terror prosecutor ng France.
Aabot na sa 80 ang kumpirmadong nasawi sa insidente ay mayroon pang 18 sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.