Patay sa bagyong Nepartak sa China, 69 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2016 - 07:00 AM

Putian, Fujian province, China | Reuters Photo
Putian, Fujian province, China | Reuters Photo

Nag-iwan ng 69 na nasawi sa China ang Super Typhoon Nepartak.

Kahapon, umabot na sa mahigit kalahating milyon ang inilikas at nasa mahigit 8,000 ang nawasak na bahay.

Ang mga nasawing indibidwal ay pawang mula sa Fujian Province kung saan tumama ang bagyo.

Mayroon pang naitala na anim na nawawala.

Ang bagyong Nepartak na may local name na Butchoy dito sa Pilipinas ay nanalasa sa Taiwan at China.

Sa Taiwan, tatlo ang naitalang nasawi at nasa 15,000 ang inilikas.

Matapos itong maglandfall sa Fuijian Province ay humina ito bilang isang tropical storm na lamang pero marami na ang nasalanta.

 

TAGS: Super typhoon Nepartak leaves 69 dead in Chinaon, Super typhoon Nepartak leaves 69 dead in Chinaon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.