Trak, inararo ang mga turistang dumadalo sa “Bastille Day” celebration sa France, 80 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2016 - 06:23 AM

nice, France Reuters Photo Eric Gaillard

(UPDATE) Hindi bababa sa 80 ang patay, at nasa 18 na iba pa ang malubhang sugatan matapos na sagasaan ng isang truk ang mga turistang dumadalo sa selebrasyon para sa “Bastille Day” sa Nice, France.

Masayang nanonood ng fireworks display sa pagdiriwang ng “Bastille Day” sa Nice, France ang mga tao nang biglang sumulpot ang rumaragasang trak.

Sa mga larawan na ipinost sa social media ng mga netizens sa lugar, makikitang marami ang nakabulagta sa kalsada matapos ang insidente na naganap sa Promenade des Anglais.

Makikita rin sa mga video sa Twitter ang nagtatakbuhang mga tao matapos silang mag-panic.

Sa ulat ng Agance France Presse nasa 80 na ang naitalang nasawi at kasama sa mga ito ang driver ng truck.

Itinuturing ng local na pamahalaan ng Nice, na isang uri ng pag-atake ang naganap.

May mga naglabasan kasing larawan ng truck na makikitang tadtad ng tama ng bala ng baril ang windshield nito.

Pinayuhan na ng mga otoridad ang publiko na manatili na lamang muna sa loob ng kanilang tahanan.

 

 

 

TAGS: 30 people killed as truck plows people in Nice France, 30 people killed as truck plows people in Nice France

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.