Suporta ng ibang bansa sa arbitration decision , hihingin ng Pilipinas

By Jay Dones July 15, 2016 - 04:43 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Hahanap ng suporta ang Pilipinas sa iba pang bansa upang makumbinsi ang China na sundin at igalang ang desisyon ng Perment Court of Arbitration na nagsasabing walang basehan ang pag-angkin ng Naturang bansa sa malaking bahagi ng West Philippines Sea o South China Sea.

Bagamat hindi personal na tutungo sa magaganap na 11th Asia-Europe Meeting o ASEM sa Ulaanbataar, Mongolia si Pangulong Duterte, kanya namang inatasan si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na gamitin ang pagkakataon upang isulong ang naturang isyu.

Batay sa statement na ipinalabas ng DFA, inihayag ng kagawaran na magiging bahagi ng agenda ng Pilipinas ang mailapit sa mga bansa sa Southeast Asia at European Union ang sitwasyon sa South China Sea at ang paghiling ng tulong upang matahimik na maresolba ang usapin.

Tiwala si Yasay na makukuha ng bans ang suporta ng mga bansang dadalo sa pagpupulong.

Gayunman, ayon sa ilang mga diplomat, walang balak na magpalabas ng statement ang sampung miyembro ng ASEM na magpapatungkol sa South China Sea dispute.

Diumano, may pressure na nagmumula sa China upang mapigil ang paglalabas ng anumang uri ng statement na may kinalaman sa sigalot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.