Board member sa Surigao del Sur sugatan sa ambush; bodyguard nito, patay

 

Sugatan ang isang provincial board member ng Surigao del Sur at dalawa nitong kasama, habang nasawi naman ang kaniyang bodyguard nang tambangan sila sa Bislig City, Huwebes ng hapon.

Kasama ng board member at broadcaster rin na si Apolonio Suan Jr. ang kaniyang mga security escorts na nakasakay sa isang Toyota Land Cruiser habang pauwi mula sa pinanggalingang radio station.

Habang binabagtas nila ang national highway sa Sitio Tandawan, Brgy. San Vicente sa Bislig City, bigla na lamang silang pinaputukan ng mga armadong lalaking nakasakay sa van.

Isa sa kaniyang mga security escorts na kinilalang si Dodong Suan ay nasawi, habang ang kaniyang driver na si Rocel Alba at isa pang escort na si Joebert Hurado ay nasugatan naman sa insidente.

Sa mga oras na ito ay iniimbestigahan pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa pamamaril at kung sino ang mga nasa likod nito.

Read more...