Mga miyembro ng sindikato nagpapatayan na – Dela Rosa

By Ruel Perez July 15, 2016 - 04:40 AM

 

Niño Jesus Orbeta/Inquirer

Hindi umano dapat sa mga pulis lamang nakatutok ang mga kritiko ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa tumataas na bilang ng mga napapatay na drug suspects sa bansa mula nang maupo si Pangulong Duterte. Ito ay dahil ang mismong mga nasa loob ng drug ring ay nagpapatayan na.

Ayon kay CPNP Ronald Bato dela Rosa, mistulang nag-uubusan na ng lahi ang mga drug lords na pinapapatay na ang kanilang mga distributors na hindi nakakabayad sa kanila.

Ani Dela Rosa, epekto na umano ito ng matinding kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Dahil kasi rito, hindi na umano nakakapag remit ang mga distributors ng mga drug lords na nasa NBP o New Bilibid Prisons kung kaya kino-contact na ang kanilang mga hitman sa labas at itinutumba ang mga hindi makabayad.

Paliwanag ni Bato, wala na umanong pumapasok sa mga bank accounts ng mga drug lords kaya nagwawala na ang mga ito ngayon.

Ani Dela Rosa, kahapon lang mayroon umanong sumuko sa kanyang distributor ng isang drug lord na hindi na makapag remit kung kaya sumuko na lang dahil sa takot na ipatumba ng among drug lord.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.