Sumasailalim na sa pagsasanay ang mga piling tauhan ng Philippine Marines na itatalaga bilang mga bagong bantay sa New Bilibid Prison.
Ayon kay ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, base ito sa pahayag ni Marine Brig. Gen. Alexander Balutan na inaasahang mapapaaga ang pagreretiro sa July 30 para magsilbing bagong pinuno ng BuCor o Bureau of Corrections sa Agosto.
Ani Arevalo, makatutuwang ng Marines ang mga tauhan ng SAF o PNP Special Action Force ng PNP sa pagbabantay sa bilibid.
Magkakaroon umano ng rotation basis ang dalawang elite forces ng AFP at PNP o tig-isang buwan na duty bago magpapalitan.
Samantala, hindi naman binanggit kung ilang mga tauhan ng Marines at SAF ang dadalhin sa NBP.
MOST READ
LATEST STORIES