Bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China, ikinakasa ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 14, 2016 - 08:30 PM

Bilateral talks
Inquirer file photo

Target ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bilateral talks sa China.

Ito ay matapos manalo ang Pilipinas kontra China sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, uumpisahan na ang bilateral talks at sa ganitong paraan aniya ay malalagay na ang Pilipinas sa mas mabuting posisyon.

Matatandaang isang oras matapos magpalabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration, agad na pinulong ng pangulo ang kanyang gabinete kasama ang security cluster.

Bukod dito, nag courtesy call rin ang ambassador ng China sa pangulo bago pa man naglabas ng desisyon ang PCA sa isyu ng West Philippine Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.