Bureau of Immigration, todo bantay sa galaw ng 5 narco-generals
Masusing binabantayan ng Bureau of Immigation (BI) ang galaw ng limang tinaguriang narco-generals na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay BI Commissioner Atty. Antonette Mangrobang, naipadala na nila sa lahat ng kanilang mga field office ang lookout bulletin order laban kina Retired Deputy Director General Marcelo Garbo, Retired Chief Superintendent at ngayo’y Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot, at mga aktibong opisyal na sina Police Director Joel Pagdilao, at Chief Superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz.
Awtomatiko na aniyang nakapasok sa kanilang computer system ang lookout bulletin order laban sa mga ito kalakip ang mga larawan sa pasaporte ng limang narco-generals.
Sa ngayon wala naman aniyang? impormasyon na nag-tangka ang sinuman sa lima na lumabas ng bansa.
Tiniyak din ng Immigration na magiging mahigpit sila sa pagbabantay dito bilang pagtalima sa kautusan ng Department of Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.