Supermarket sa Quezon City at bahagi ng isang gusali sa Taguig, tinupok ng apoy
Nasunog ang branch ng Shoppersville Supermarket sa Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City.
Nagsimula ang sunog bago mag alas 5:00 ng umaga at umabot sa 2nd alarm.
Alas 7:14 nang itaas sa 5th alarma ng sunog.
Naging maagap ang mga bumbero dahil katabi lamang ng supermarket ang sangay ng Shell Gasoline station.
Pero nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang establisyimento dahil sa makapal na usok sa loob nito.
Alas 9:51 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.
WATCH: May usok pa rin na lumalabas sa nasusunog na Shoppersville Supermarket sa QC | @jongmanlapaz pic.twitter.com/xek6okSRhF
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2016
Samantala, bago mag ala una ng madaling araw, sumiklab ang apoy sa VFP Building 2, Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 12:59 ng madaling araw at iniakyat sa 5th alarm dakong ala 1:21 ng madaling araw.
Naapektuhan ng sunog ang 5th floor at 6th floor ng gusali na umano ay ginagamit na warehouse.
Idineklara namang fire out ang naganap na sunog sa VFP Building alas 4:26 ng umaga.
Earlier: Umabot sa 5th alarm ang sunog bago naapula kaninang 4:26AM | @jongmanlapaz pic.twitter.com/D0WGsGdC6s
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2016
Earlier: Nasunog ang 5th floor ng VFP Bldg sa Western Bicutan, Taguig na nagsimula bago mag 1:00AM | @jongmanlapaz pic.twitter.com/9Cb278b0sL
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.