Whistleblower protection program sa flood-control projects inihirit

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Bacolod City Rep. Albee Benitez ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng whistleblower protection program para sa mga tetestigo sa mga maanomalyang flood-control projects.
Sinabi pa ng mambabatas na dapat ay maging aktibo ang DOJ sa paghahanap ng mga maaaring tumestigo laban sa korapsyon at katiwalian sa mga proyekto.
Hindi na dapat aniya maghintay pa ang kagawaran na may lumutang na testigo kung seryoso ang gobyerno na malitis at maparusahan ang mga nakialam sa pondo ng gobyerno.
BASAHIN: ‘Ghost flood control projects’ sinisilip na, ayon sa DPWH chief
Idiniin niya ang kahalagahan ng mga testigo na may direktang kaalaman sa pagsasagawa ng mga proyekto.
“Pagkakataon na ito para maisiwalat nila ang katotohanan. Responsibilidad ng pamahalaan na bigyan sila ng plataporma at karampatang proteksyon upang maitaguyod ang katotohanan,” aniya.
Dinagdag pa ng mambabatas na maaaring matagal ang magiging paglilitis sa mga magnanakaw ng pondo ngunit dapat silang maparusahan dahil sa paglalagay sa panganib ng buhay ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.