127 napatay, 60,000 sumuko sa anti-drug ops ng PNP

By Jay Dones July 14, 2016 - 04:30 AM

 

Radyo Inquirer file photo

Umaabot na sa 127 ang bilang ng nasasawi sa nagpapatuloy na pinaigting na anti-illegal drug operations ng Philippine National Police.

Samantala, nasa halos 60,000 nang mga hinihinalang adik at nagtutulak ng iligal na droga ang sumusuko na sa mga otoridad sa buong bansa.

Ayon kay Chief Supt. Camilo Cascolan, pinuno ng Directorate for Operations ng PNP, sa mga sumuko, 57,816 dito ay gumagamit habang 2,157 naman ang itinuturing na pusher ng droga.

Sa kabila nito, sinabi ni Cascolan na maliit pa lamang na porsiyento ang mga kasalukuyang bilang dahil sa tala ng PNP, nasa 1.8 milyon ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga sa bansa.

Dahil sa dami ng mga nagsisukong mga drug users at pusher, pinaplano na ang pagbuo ng mga inter-agency committee na tutugon sa pagsugpo ng iligal na droga at mabigyan ng kaukulang atensyon ang mga nais nang magbago.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.