Mga mahihirap na sangkot sa droga, tututukan ng NAPC
Target ng National Anti-Poverty Commission o NPAC sa ilalim ng Duterte Administration na tutukan at matulungan ang mga mahihirap na pamilya na may mga miyembrong sangkot sa droga.
Sa Inquirer Live, sinabi ni President Rodrigo Duterte appointee at NAPC lead convenor Liza Maza na maituturing na isang social problem ang pamamayagpag ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Ihinahalimbawa ni Maza ang sitwayson sa Quezon City, kung saan siya residente.
Aniya, mismong tricycle drivers na kanyang nakakausap ang nagsasabing grabe na ang problema ng droga sa kanilang lugar, lalo’t sa kasalukuyan ay makakabili na ng droga gaya ng shabu sa halagang limang piso.
Nalukungkot si Maza dahil “mahirap na nga ang tao, pero addicted pa” sa ilegal na droga.
At kahit kahuli-hulihang pera ay ipinangbibili pa ng bawal na gamot sa rasong “makalimutan ang problema.”
Bukod dito, marami rin aniyang kabataan na walang pang-matrikula sa paaralan ay naliligaw ng landas at naiinvolve sa droga.
Ayon kay Maza, ngayong naipwesto siya sa NAPC, pagsusumikapan niyang masugpo ang ugat ng droga upang ang anumang rason ng mga mahihirap na malimutan ang problema ay mawala na.
Higit sa lahat, sinabi ni Maza na mahalagang mapaunlad ang ekonomiya.
Nang matanong naman si Maza kung ano ang pananaw niya sa kaliwa’t kanang pagpaslang sa mga hinihinalang drug pushers, sinabi nito na maging siya’y nababahala kasi maraming nababaril, napapatay.
Ani Maza, nangyayari na ito bago pa man ang Duterte administration pero kailangan pa rin umanong tingnan at masiyasat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.