WATCH: Pasahero na nahulog sa EDSA, hinahanap ng LTFRB
Nanawagan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board sa babae na ang video ng pagkakahulog sa EDSA mula sa sinakyang bus ay viral sa social media.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, ito ay para mabigyan ng tulong ang babaeng pasahero.
Samantala sa pagdinig kanina sa LTFRB, humarap ang konduktor ng Jasper Jean Liner Inc., na si Guilberto Venturero.
Sa kanyang katuwiran, iginiit ni Venturero na ang babae ang dapat na sisihin dahil pinilit nitong bumaba sa ilalim ng Kalayaan flyover sa EDSA.
Ngunit iginiit ni Delgra hindi naman makakababa ang pasahero kung hindi rin naman huminto ang driver at pumayag ang kondukor.
Inamin din ni Venturero na ang lugar ay no loading/unloading zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.