Bilang ng mga sumukong drug suspek sa NCRPO, umabot na sa mahigit walong libo
Pumalo na sa 8,808 ang kabuuang bilang ng mga boluntaryong sumuko na mga drug suspek sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng Oplan Tokhang mula July 1-12.
Ayon kay Chief Supt. Oscar David Albayalde, Acting Regional Director ng NCRPO, kinatok nila ang higit labing dalawang libo na mga bahay ng mga kilalang drug user at pusher sa nasasakupan na nagresulta ng halos siyam na libong surrenderees sa Metro Manila.
Samantala, umabot naman sa 1.8 bilyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska kabilang pa ang 20 firearms at 1 granada.
Umabot naman sa 362 na mga indibiduwal ang naaresto sa tuloy-tuloy na anti-illegal drugs operations ng NCRPO kabilang na ang dalawang Chinese nationals, at pagkakapatay sa 43 mga drug suspek.
Kaugnay nito, inirefer na nila sa Department of Interior and Local Government at sa Dangerous Drugs Board ang halos limang libo (4,898) na mga drug users para ma-rehabilitate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.