Duterte, sinimulan ang termino na may excellent trust rating ayon sa SWS survey

By Len Montaño July 13, 2016 - 03:04 PM

Duterte photo
Malacañang photo

Sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anim na taong termino sa pamamagitan ng excellent trust rating batay sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Hunyo.

Batay sa resulta ng June 24 hanggang June 27 Second Quarter 2016 SWS Survey, 84 percent ng 1,200 respondents ang mayroong “much trust” kay Duterte.

Nasa 11 percent naman ang undecided at limang porsyento ang may “little trust” na nagresulta sa 79 percent net trust rating.

Sa unang SWS survey sa trust rating ni Duterte noong December 2015, ang noo’y Presidential Candidate ay nakakuha lang ng moderate o +16.

Tumaas ito sa moderate o +26 noong March 2016, good o +30 noong April at moderate o + 26 noong May.

Ang 53 points na pagtaas ng net trust rating ni Duterte ay dahil dumami ang nagtiwala sa dating Davao City Mayor sa geographical areas at social classes.

Nakuha nito ang excellent rating sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao pati sa lahat ng social classes.

Samantala, nakuha ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang excellent o +83 rating sa survey matapos ang May 2010 elections.

Sa SWS classification, excellent ang +70; very good ang +50 hanggang +69; good ang +30 hanggang +49; moderate ang +10 hanggang +29; neutral ang +9 hanggang -9; poor ang -10 hanggang -29; bad ang -30 hanggang -49; very bad ang -50 hanggang
-69 at execrable ang -70 pababa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.