Look out bulletin vs narco-generals, inisyu ng DOJ

By Erwin Aguilon July 13, 2016 - 02:52 PM

PNP-execs-0706 (1)Nagpalabas na ng Look out bulletin ang Deparment of Justice (DOJ) para sa mga tinaguriang narco-generals.

Ito ay kaugnay sa kahilingan ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) sa DOJ dahil sa imbestigasyong isinasagawa laban sa mga ito.

Kabilang sa mga pangalang nasa Look out bulletin ay sina Retired Deputy Director General Marcelo Garbo, Retired Chief Superintendent at ngayon ay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, at mga aktibong opisyal na sina Police Director Joel Pagdilao, at Chief Superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz.

Pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Look out bulletin kung saan agad na pinadalhan ng kopya si Immigration Commissioner Jaime Morente para maipatupad ang kautusan at ma-monitor ang galaw ng lima sa mga paliparan at pantalan ng bansa.

Ang mga nasabing police general ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anibersaryo ng Philippine Airforce sa Clark, Pampanga na protektor ng ilegal na droga.

Si Garbo ay sinasabing kabilang sa triad na binanggit ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.