Kulungan ng mga aliens’ sa NBP ibinigay sa Bureau of Immigration
METRO MANILA, Philippines — Ibinigay na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Bureau of Immigration (BI) ang isang pasilidad sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang pasilidad para sa mga mahuhuling banyaga.
Pinangunahan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang pagsalin sa BI ng pangangasiwa ng pasilidad sa Muntinlupa Juvenile Training Center Barracks sa NBP Reservation.
Nabatid na ang pasilidad ay inilaan para sa mga banyaga na sumasailalim sa deportasyon.
BASAHIN: Economic zones sa mga lupa ng BuCor, pagtitibayin ng MOA
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang isang ektarya ng compound ang maaaring gamitin ng BI base sa kahilingan ni Immigration Comm. Joel Anthony Viado.
Sinabi ni Catapang na ang mga mahuhuling banyaga ay agad na dadalhin sa pasilidad at hindi na kailangan pang idaan sa pangunahing opisina ng BI sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.