Automatic suspension sa fuel excise tax inihirit ni Ejercito

By Jan Escosio July 04, 2025 - 03:44 PM

PHOTO: JV Ejercito FOR STORY: Automatic suspension sa fuel excise tax inihirit ni Ejercito
Sen. JV Ejercito —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Muling inihain ni Sen. JV Ejercito ang panukalang awtomatikong suspensyon sa ipinapatong na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Aniya, gagawin ang pagsuspindi kapag pumalo na sa $80 ang halaga ng kada bariles ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon, P10 ang excise tax sa kada litro ng gasolina, P6 sa krudo, at P3 sa gaas.

BASAHIN: Poe: P2.5-B kasama sa 2025 national budget para sa fuel subsidy

Ipinaliwanag ni Ejercito na, base sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, maaring irekomenda ng Department of Finance ang pagsuspindi sa pagtaas ng ipinapatong na excise tax.

Nakasaad din sa naturang batas, na magbibigay ng subsidiya ang gobyerno sa mga nabubuhay sa sektor ng pampublikong transportasyon at agrikultiura kapag humataw na sa $80 ang halaga ng kada bariles ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nakakatiyak ang senador na malaking tulong kung magiging batas na ang kanyang panukala sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: fuel excise tax, JV Ejercito, fuel excise tax, JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.