Isko Moreno sa power, telecom, water firms: ‘Wag niyo kaming putulan’
METRO MANILA, Philippines — Umapila si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Huwees sa kompanya ng kuryente, tubig, telekomunikasyon ,at internet na huwag putulan ng mga koneksyon ang pamahalaang lungsod.
“Wala na ho kaming kapera-pera — as in literal. This is not about blame. Reality check na ito ng financial mismanagement. Grabe financial mismanagement ng gobyerno ng Maynila na inabutan ko,” pahayag ni Domagoso.
Nakipagpulong ang alkalde sa mga kinatawan ng Meralco, PLDT, Maynilad, Manila Water, Globe Telecom, Smart Communications, Converge ICT at Cignal TV.
BASAHIN: State of health emergency sa Maynila ipapadeklara ni Isko Moreno
Ayon kay Domagoso may P113,596,710.54 na utang ang pamahalaang-lungsod sa mga nabanggit na kompanya.
May utang din anya sila ng P300 milyon sa Bureau of Internal Revenue.
Umapila si Domagoso na dalawang palugit para mabayaran nila ang kanilang mga utang.
Umaasa ito na hindi puputulan ng koneksyon sa kuryente, internet at tubig ang mga pampublikong ospital, eskwelahan at pasilidad sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.