Antique students sa ‘chemical exposure’ binabantayan ng DepEd, DOH

By Jan Escosio July 03, 2025 - 03:41 PM

PHOTO: Map of Panay Island showing Antique FOR STORY: Antique students sa ‘chemical exposure’ binabantayan ng DepEd, DOH
Google Maps image

METRO MANILA, Philippines — Nakatutok ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) sa mga estudyante ng dalawang eskwelahan sa Antique na nabiktima ng “chemical exposure” kahapong Miyerkules mula sa katabing bukid.

Nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang dalawang kagawaran ukol sa insidente.

Ayon sa pahayag ng DepEd Schools Division sa Antique, ang mga biktima ay mga estudyante ng Pis-anan National High School at Pis-anan Central School.

BASAHIN: No deaths among hospitalized in Antique foul odor incident – DOH

Nagreklamo ng hirap na paghinga, pananakit ng tiyan, at paninikip ng dibdib ang mga estudyante matapos malanghap ang mga kemikal mula sa bukid na malapit sa dalawang paaralan.

Pansamantalang sasailalim sa distance modular learning ang mga estudyante habang nagsasagawa ng decontamination sa dalawang paaralan.

TAGS: Antique chemical exposure, Department of Education, department of health, Antique chemical exposure, Department of Education, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.