P3.77-B halaga ng mga droga nasamsam sa tatlong buwan – PDEA

By Jan Escosio July 03, 2025 - 03:41 PM

PHOTO: Facade of PDEA headquarters FOR STORY: P3.77-B halaga ng mga droga nasamsam sa tatlong buwan - PDEA
Ang harapan ng headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City (Larawan mula sa Facebook page ng PDEA)

METRO MANILA, Philippines — Umabot sa P3.77 bilyon ang halaga ng mga droga na nasamsam sa higit 1,100 anti-drugs operations mula noong ika-5 ng Pebrero hanggang ika-5 ng Mayo, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagbunga din ang mga operasyon sa pagkaka-aresto ng 1,521 drug suspects, kasama ang 737 high-value targets at 16,050 na kaso ang naisampa.

BASAHIN: P5.32-B halaga ng mga droga winasak ng PDEA

Sa mga naisampang kaso, 7,420 ang nagawaran ng sentensiya.

Mayroon din 379 drug suspects ang natapos ang kanilang rehabilitasyon.

TAGS: Illegal Drugs, Philippine Drug Enforcement Agency, Illegal Drugs, Philippine Drug Enforcement Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.