Gambling tycoon Atong Ang inireklamo ang ‘whistle blower’

By Jan Escosio July 03, 2025 - 03:45 PM

PHOTO: Charlie “Atong” Ang FOR STORY: Gambling tycoon Atong Ang inireklamo ang ‘whistle blower’
Charlie “Atong” Ang —FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Limang reklamo ang isinampa ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang laban sa sinasabing “whistle blower” sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero.

Isinampa ni Ang ang mga reklamo laban kay Julie Patidongan alias Dondon sa Mandaluyong City Prosecutors Office.

Nilinaw din ng negosyante na hindi niya inalok ng P300 milyon si Patidongan kundi hiningi sa kanya ito ng huli kapalit ng hindi umano pagdawit sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Ang na nalaman din niya na may plano si Patidongan na dukutin siya, humingi ng ransom sa kanyang pamilya ngunit papatayin din daw siya ng mga ito.

BASAHIN: Hustisya nais ni Pangulong Marcos sa mga nawawalang sabungero

Itinuro nito ang isang Alan Bantiles, alyas Brown, na may kinalaman sa hinihingi sa kanya na P300 milyon ni Patidongan.

Dinepensahan din ni Ang si Gretchen Barreto sa alegasyon na may nalalaman sa pagkawala ng mga sabungero.

Aniya, bahagi lamang ng “marketing strategy” nila si Barreto upang marami silang mahikayat na tumaya sa online sabong.

TAGS: Charlie Ang, missing cockfighters, Charlie Ang, missing cockfighters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.