Hustisya nais ni Pangulong Marcos sa mga nawawalang sabungero

By Jan Escosio July 02, 2025 - 03:53 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Hustisya nais ni Pangulong Marcos sa mga nawawalang sabungero
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng masusing pag-iimbestiga sa mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ito ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, at aniya nais ng punong ehekutibo na mapanagot ang lahat ng mga sangkot.

“Ipagpatuloy po ang pag-iimbestiga, ng malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino ba talaga ang sakot dito at mapanagot ang dapat mapanagot,” sabi ni Castro.

BASAHIN: Mga pulis na sangkot sa ‘missing sabungeros’ sisilipin ng Napolcom

Binanggit ni Castro ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) na may apat na testigo na sinabing may nalalaman sa kaso at pinag-aaralan pa kung maaari silang maging testigo ng prosekusyon.

Mahalaga din aniya na may mga ebidensya tulad ng videos at mga larawan para maresolba ang mga kaso.

Mula Abril 2021 hanggang Enero 2022, humigit kumulang 100 na sabungero ang mga nawala mula sa mga sabungan at sa kanilang bahay sa Laguna, Batangas, Manila, at Bulacan.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., missing cockfighters, Ferdinand Marcos Jr., missing cockfighters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.