Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOP) ang apat na Chinese Nationals na naaresto sa natuklasang floating shabu laboratory sa Subic, Zambales.
Paglabag sa section 8 at 11 ng RA 9165 na may kinalaman sa manufacture at possesion ng iligal na droga ang kinakaharap ng mga suspek na sina Leung Shu Fook, Kwok Kam Wah, Lo Wing Fai at Chan Kwok Tung.
Sa pagdinig ni Senior State Prosecutor Juan Pedro Navera, humarap ang apat kasama ang mga abogado mula sa Public Attorneys Office (PAO) National Capital Region (NCR) na marunong magsalita ng Chinese.
Sinuri ni Navera ang pasaporte ng mga ito at nagtuklasan na ang isa ay apat na ulit ng pumasok ng bansa, habang ang isa naman ay pangalawang ulit ngayon, pero sa una niyang pagpunta ng Pilipinas ay walang tatak ang kanyang passport.
Sinabi ni Navera na matapos ang pagdinig ay submitted for resolution na ang reklamo.
Ibinalik naman sa detention cell ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng PNP sa Camp Crame ang mga nasabing dayuhan.
WATCH: 4 Chinese Natls sumailalim sa inquest proceedings sa DOJ | Video By Louie Ligon pic.twitter.com/hFP7eLW9Ez
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2016
4 Chinese Natls na naaresto sa "floating shabu lab" sumailalim sa inquest proceedings sa DOJ | Video By Louie Ligon pic.twitter.com/wnXAUyesOI
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2016