P166-M na ‘floating shabu’ natagpuan ng mangingisda sa Batanes

METRO MANILA, Philippines — Isinuko kahapon ng Miyerkules ng isang mangingisda ang 24 kilo ng shabu na narekober niya sa dalampasigan ng Basco, Batanes.
Ayon sa 58 anyos na mangingisda unang napansin niya ang palutang-lutang na sako at dahil bukas na ito ay sinilip niya ang nasa loob.
Sinabi ng mga pulis at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang laman ng sako ay 24 na pakete ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P166 milyon.
Ayon sa mangingisda isinuko niya agad ang mga droga dahil nais niya ng tahimik na buhay.
Ngayon buwan ng Hunyo, halos 1.4 tonelada ng shabu ang narekober na palutang-lutang sa mga dagat ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.