Davao police chief, 11 ibang pulis abswelto sa ‘Atimonan 13 massacre’
METRO MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng isang korte sa Maynila si Police Col. Hansel Marantan at 11 iba pang pulis sa mga kasong nag-ugat sa pagkakapatay ng 13 na katao sa Atimonan, Quezon, noong Enero 2013.
Si Marantan ang kasalukuyang police director ng Davao City police.
Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 27, sinabi na may basehan na pagtupad lamang sa tungkulin at pagdepensa na rin sa kanilang sarili ang ginawa nina Marantan.
BASAHIN: Mga suspek sa Atimonan massacre, nakapag-pyansa na
Binigyan-diin ng korte na may impormasyon na armado ang mga sakay ng dalawang sports utility vehicles (SUVs) at unang nasugatan si Marantan sa engkwentro sa Maharlika Highway.
Una na rin nilagpasan ng mga nasawi ang unang police checkpoint bago sila sinubukang pahintuin nina Marantan.
Kabilang sa mga napatay sa pagkasa ng “Coplan: Armado” ay isang Victor Siman, na unang isinalarawan ng mga awtoridad na jueteng lord.
Binansagan na “Atimonan massacre” ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.