House prosec team sinertipikahan impeachment case ni VP Duterte

METRO MANILA, Philippines — Tumalima na ang House prosecution panel sa mga utos ng Senado bilang impeachment court.
Kabilang sa isinumite ay ang sertipikasyon ng Kamara na ang isinumiteng Articles of Impeachment ay hindi lumabag sa one-year ban na nakasaad sa Konstitusyon.
Kasama nito ang kopya ng House Resolution No. 328 na ipinasa noong ika-11 ng Hunyo bilang pagtalima sa unang utos ng Senado noong ika-10 ng Hunyo.
BASAHIN: Tatawid sa 20th Congress ang VP impeach case – Pangilinan, Tulfo
Isinumite din ang manipestasyon kaugnay sa “entry of appearance ad cautelam” at ang pagsusumite muli ng “appearance of the public prosecutors.”
Ang mga dokumento ay pirmado ni House Minority Leader Marcelino Libanan, ang lead prosecutor sa impeachment case.
Si Director Billy Uy ng House Records Management Service ang nagsumite ng mga dokumento sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.