Dating Senador Bong Revilla, pinayagang makalabas ng kulungan para ipaayos ang ngipin

SEN.BONG REVILLA SURRENDERS AT SANDIGANBAYAN/JUNE 20,2014 Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. voluntarilly surrenders at the Sheriffs Office of the Sandiganbayan. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Bong Revilla na makalabas ng detention cell sa Camp Crame para maipaayos ang kanyang ngipin.

Sa desisyon ng 1st division, pinahihintulutan na makalabas ng detention facility si Revilla sa mga petsang July 13, 16 at 23, 2016.

Sa unang petsa o ngayong araw, July 13, isasagawa ang implant surgery, sa ikalawang petsa ay ang post operation check-up at huli, para sa suture removal and stayplate denture reline.

Lahat ng proseso ay isasagawa sa GAOC ground floor, the residences, green belt center, Arnaiz Avenue, Makati City, sa ganap na alas 2:00 ng hapon.

Aalis si Revilla sa detention cell ala 1:00 ng hapon mamaya o isang oras bago ang procedure.

Pero utos ng Sandiganbayan na kailangang makabalik si Revilla sa kanyang detention cell ng hindi lagpas sa alas-4:00 ng hapon kada araw ng paglabas.

Inatasan din si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na maglaan ng police escorts, at security measures para kay Revilla.

Undercontrol din at nasa superbisyon ng PNP ang paggamit ng gadgets gaya ng cellphones ng akusado.

Bawal ang media interviews, habang ang lahat ng gastos ay kailangang bayaran ng kampo ni Revilla.

Si Revilla, dating Senador, ay nahaharap sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan dahil sa pagkakasabit nito sa Pork Barrel scandal.

 

 

Read more...