Fuel subsidy sa agri, public transport sectors aarangkada na
METRO MANILA, Philippines— Minamadali na ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidy sa sektor ng agrikultura at pampublikong transportasyon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Sinabi ni Department of Energy officer-in-charge Sharon Garin may ugnayan na ang mga kinauukulang ahensya para sa pagkasa ng programa.
Nakikipag-usap na aniya sila sa Department of Transportation, Department of Agriculture at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa distribusyon ng subsidiya sa mga magsasaka, mangingisda at PUV operators.
BASAHIN: Poe: P2.5-B kasama sa 2025 national budget para sa fuel subsidy
Pinulong na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang economic team para sa mga epekto ng digmaan sa presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sinabi ni Garin na may inilaan na P2.5 bilyon para sa public transport sector at P600 milyon naman sa mga magsasaka at mangingisda.
Gayunman, wala pang halaga ang ipamamahaging subsidiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.