PDP-Laban nais ng recount sa 2025 senatorial elections

By Jan Escosio June 23, 2025 - 03:13 PM

PHOTO: Composite of the Supreme Court facade and logo FOR STORY: PDP-Laban nasi ng recount sa 2025 senatorial elections
File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon ang PDP-Laban sa Korte Suprema para muling mabilang ang boto sa ng mga kumandidato sa pagka-senador noong nakalipas na eleksyon.

Kasama ni PDP Laban legal counsel, Atty. Israelito Torreon si Atty. Jimmy Bondoc nang ihain ang motion for leave to file supplemental petition for mandamus.

Kabilang si Bondoc sa tinaguriang “Duter10” na mga senatorial candidates ng PDP-Laban.

BASAHIN: Pagboto ng higit 57M noong Lunes makasaysayan – Comelec chair

Ang paghahain ng petisyon ay nag-ugat sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na may dayaan na naganap noong halalan at dapat ay may tatlo pang kandidato ng PDP-Laban ang nanalo.

Sa 10 na kandidato ng partido, ang tanging nanalo ay sina incumbent Sens. Christopher Go at Ronald dela Rosa at Rep. Dante Marcoleta.

Ikinatuwiran ni Torreon na layon ng kanilang petisyon na malaman ng publiko ang buong katotohanan hinggil sa naganap na eleksyon at maibalik ang tiwala ng sambayanan sa proseso.

Nais nila ng manual recount ng mga boto.

TAGS: 2025 elections, PDP Laban, 2025 elections, PDP Laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.