Total ban ng Filipino workers sa Israel at Iran ikinasa ng DMW

By Jan Escosio June 23, 2025 - 03:27 PM

PHOTO: Facade of the Department of Migrant Workers FOR STORY: Total ban ng Filipino workers sa Israel at Iran ikinasa ng DMW
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruitment agencies sa bansa sa umiiral na total deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Israel at Iran.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ito ay bunsod ng deklarasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Alert Level 3 sa dalawang bansa nang makialam na sa digmaan ang Amerika.

Nilinaw ni Cacdac na sakop ng deployment ban ang mga magbabalik at bagong manggagawang Filipino.

BASAHIN: DFA handa sa pagdagsa ng mga Pinoy na ililikas mula Israel

May 30,000 na manggagawang Filipino sa Israel, ayon kay Cacdac.

Sinabi ng kalihim na mula sa 85 noong Hunyo 13, 223 OFWs na nasa Israel ang nais nang umuwi ng Pilipinas bunsod nang lumalalang sitwasyon.

TAGS: Department of Migrant Workers, Israel-Iran war, OFW deployment ban, Department of Migrant Workers, Israel-Iran war, OFW deployment ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.