US-Iran conflict kapag tinuloy posible maging world war – Lacson

By Jan Escosio June 23, 2025 - 03:30 PM

PHOTO: Panfilo Lacson FOR STORY: US-Iran conflict kapag tinuloy posible maging world war – Lacson
Dating Sen. Panfilo Lacson —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Posibleng maging mitsa ng World War 3 ang patuloy na pag-atake ng Estados Unidos sa Iran.

Ito ang ikinababahalang mangyari ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson, at aniya maaring makaapekto ito sa dalawang milyong Filipino na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Lacson, ang kanyang pangamba ay base sa kasaysayan sa pakikidigma ng Persia, ang lumang pangalan ng Iran.

BASAHIN: Mga Pinoy sa Middle East ililikas kapag tumindi ang Israel-Iran war

Umaasa na lamang siya na may ikakasang plano ang gobyerno kapag kumalat na sa buong Gitnang Silangan ang digmaan sa pagitan ng Iran at Israel.

Samantala, umaasa si Senate President Jinggoy Estrada na madadaan pa sa diplomasya at diyalogo ang kasalukuyang sitwasyon.

Idniin ni Estrada na lubhang ng nakakabahala ang mga nangyayari at nababahala siya sa mga sibilyan, partikular na sa mga Filipino na naninirahan sa Israel at Iran.

TAGS: Israel-Iran war, panfilo lacson, US-Iran conflict, Israel-Iran war, panfilo lacson, US-Iran conflict

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.