DHSUD, DILG kailangang tumulong sa pagdagdag ng mga classroom

METRO MANILA, Philippines — Kailangan ng Department of Education (DepEd) ang koordinasyon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para masolusyonan ang lumalalang kakapusan ng mga silid-aralan sa bansa.
Ayon sa 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM2), nakakapag-ambag pa sa problema ang pagpapatayo ng mga pabahay.
Sa pulong kahapon ng Miyerkules, ipinakita ng EDCOM 2 ang mga datos ukol sa 59 na proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa nakalipas na isang dekada.
BASAHIN: Classroom backlog matutuldukan sa tatlong dekada – Angara
Sa mga proyekto, 167,120 na bahay ang naipatayo ng hindi nabatid kung may malapit na paaralan sa mga lokasyon.
“Ilan po dito sa 58 housing projects ng NHA ang nasiguro nating may paaralan na pupuntahan ang mga lilipat?” tanong ni EDCOM Executive Director Dr. Karol Mark Yee.
Aniya, kung ipagpapalagay na bawat bahay ay may dalawang mag-aaral, ito ay 334,240 na estudyante na mangangailangan ng higit 8,000 paaralan.
Base sa datos na isinumite ng DHSUD, marami sa mga proyektong pabahay ay sa Metro Manila at Calabarzon na ayon naman sa datos ng DepEd ay ang dalawang rehiyon na siksikan ang mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.