Benny Abante idineklarang panalo ng Comelec sa Manila 6th District

By Jan Escosio June 19, 2025 - 12:58 PM

PHOTO: Comelec office and logo FOR STORY: Benny Abante idineklarang panalo ng Comelec sa Manila 6th District

METRO MANILA, Philippines — Ang reeleksiyonistang si Rep. Bienvenido Abante ang nanalong kinatawan sa Kamara ng 6th Distric ng Maynila.

Ito ang idineklara ng Commission on Election (Comelec) 2nd Division nitong Huwebes matapos pagbigyan ang petisyon ni Abante na bawiin ang proklamasyon ng nakalaban niyang si Luis Joey Chua Uy.

Sinabi ni Comelec Chairman Erwin Garcia na hanggang wala pang pinal na desisyon ay hindi pa maiproklama ang uupo sa puwesto.

BASAHIN: Rep. Bienvenido Abante Jr. naghain ng TikTok ban bill

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Abante na hindi natural-born Filipino citizen si Uy.

Aniya ang nakalaban ay naturalized Filipino citizen.

Sa inilabas na desisyon, balewala ang certificate of candidacy (COC) ni Uy dahil sinabi nito na siya natural-born Filipino kaya’t itinuring siya na hindi kandidato.

TAGS: Benny Abante, comelec, Benny Abante, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.