DFA handa sa pagdagsa ng mga Pinoy na ililikas mula Israel

By Jan Escosio June 19, 2025 - 12:45 PM

PHOTO: DFA facade and logo
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inaasahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdami ng mga Filipino na aalis ng Israel bunga ng tumitinding sitwasyon doon.

Nasa 26 na Filipino na ang paalis ng Israel, at kabilang sila sa 179 na humingi ng tulong sa Philippine Embassy sa Amman.

Tiniyak ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na handa na sila sa pagdagsa ng mga Filipino na tatawid sa Jordan para matakasan ang delikadong sitwasyon sa Israel.

BASAHIN: Mga Pinoy sa Middle East ililikas kapag tumindi ang Israel-Iran war

Aniya, marami sa mga Filipino ay contract workers sa Israel at may ilan na turista base sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Tel Aviv.

Nagtatagal ang mga papasok ng Jordan sa pagdaan nila ng immigration counters sa mga hangganan ng dalawang bansa.

Samantala, nakatawid na sa Jordan ang 21 na opisyal ng Pilipinas na ilang araw na naipit sa Israel.

TAGS: Israel-Iran war, Israel-Iran war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub