PCA ruling sa sea dispute, “victory for all” ayon kay dating Pangulong Aquino

FILE PHOTO / Courtesy of Usec. Abi Valte
FILE PHOTO / Courtesy of Usec. Abi Valte

Sa halip na ituring na panalo ng bansa laban sa isang bansa, mas mabuting tratuhin bilang “victory for all” ang naging ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa sigalot sa South China Sea.

Ito ang nakasaad sa statement na inilabas ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

“At this point, may I suggest that instead of viewing this decision as a victory of one party over another, the best way to look at this judgement is that it is a victory for all,” sinabi ni Aquino.

Sa kaniyang pahayag, pinasalamatan ng dating pangulo ang lahat ng indibidwal na nagkaroon ng partisipasyon sa isinampang reklamo ng Pilipinas sa arbitration court kontra sa China.

Kabilang dito sina dating Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, dating Exec. Sec. Jojo Ochoa, dating defense Sec. Voltaire Gazmin, dating Solicitors General Francis Jardeleza at Florin Hilbay, Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, dating Chief Presidential Legal Counsel at ngayon ay Associate Justice Benjamin Caguioa, Sandiganbayan Justice Sarah Fernandez, dating Usec. Emmanuel Bautista at deputy Exec. Sec. Menardo Guevarra, dating Asst. Sec. Henry Bensurto Jr., at dating Usec. Abigail Valte.

Pinasalamatan din ni Aquino ang mga abugado at eksperto na tumulong sa Philippine team kabilang sina Paul Reichler ng Washington-based law firm na Foley Hoag.

Ayon kay Aquino, ngayong mas malinaw na ang rules sa sea dispute, nalalapit na aniya ang pagkakaroon ng permanent closure sa isyu.,

Dekada na aniya ang tagal ng dispute na magsimula noon pang 1970s.

Dagdag pa ni Aquino, hindi madaling pasya ang isulong ang arbitration case laban sa China, gayunman, nanindigan aniya ang bansa na gawin ito at nakamit naman ang tagumpay.

Hinikayat naman ni Aquino ang publiko na basahin at pag-aralan ang naging rulling ng tribunal para mas maunawaan ang usapin.

 

 

Read more...