Fuel subsidy inaaral sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo

By Jan Escosio June 18, 2025 - 03:30 PM

PHOTO: Fuel pumps FOR STORY: Fuel subsidy inaaral sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Hindi isinasantabi ng gobyerno ang pagsirit ng mga presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.

Bunga nito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbibigay muli ng subsidiya ang gobyerno sa mga lubhang maaapektuhan ng napakataas na halaga ng gasolina, krudo, at gaas.

Aniya, kapag tumindi ang digmaan, isasara ang Strait of Hormuz kayat maaapektuhan ang suplay ng langis.

BASAHIN: Mga Pinoy sa Middle East ililikas kapag tumindi ang Israel-Iran war

Kayat magbibigay muli ang gobyerno ng fuel subsidy partikular na sa sektor ng pampublikong transportasyon, tulad ng ginawa noong panahon ng pandemya dulot ng Covid-19.

Una nang inatasan ng punong ehekutibo ang Department of Energy na tutukan ang sitwasyon sa Gitnang Silangan upang agad makakilos ang gobyerno sa usapin ng presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., fuel subsidy, Israel-Iran war, Ferdinand Marcos Jr., fuel subsidy, Israel-Iran war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.