Impeachment court sa Kamara: Hindi kami ang kalaban ninyo
METRO MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Senado ang Kamara nitong Miyerkules na tigilan na ang pagbatikos sa impeachment court.
Sa halip, ayon kay impeachment court spokesperson, Atty. Reginald Tongol, ilaan ng Kamara ang kanilang atensyon at panahon paghahanda sa mga sagot atb aksyoin ng panig ng depensa.
Ang Kamara ang tumatayong panig ng prosekusyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Idinagdag pa ni Tongol na makakabuti na rin sa Kamara kung susundin na ang nais ng Senado bilang impeachment court.
BASAHIN: Impeachment court may kapangyarihan na mag-cite for contempt
Inamin naman ng abogado na wala namang magiging kaparusahan kung hindi agad tatalima ang Kamara sa mga utos ng Senado.
Samantala, nagpahiwatig si Tongol na marami ang inaasahan sa susunod na linggo.
Aniya sa Lunes, ika-23 ng Hunyo, ay maaaring magsumite na ng kanilang tugon ang panig ng depensa at isa sa posibleng gawin ay maghain ng mosyon para mabasura na ang impeachment case.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.