Reporma, pagdisiplina ni Torre sa PNP suportado ni Jinggoy Estrada

By Jan Escosio June 18, 2025 - 02:55 PM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed FOR STORY: Reporma, pagdisiplina ni Torre sa PNP suportado ni Jinggoy Estrada
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Hindi man agad napabilib sa pagkakatalaga kay Gen. Nicolas Torre III, hepe ng Philippine National Police (PNP), suportado ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga nais ng una na reporma at disiplina sa mga pulis.

Sinabi ni Estrada na matagal na dapat ipinatupad ang mabilis na pagresponde ng mga pulis.

Dinagdag pa ng senadorn na napakahalaga din na maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga alagad ng batas.

BASAHIN: 8-hour duty ng mga pulis ipapatupad – PNP chief Torre

“Mahalagang-mahalaga na may tiwala ang publiko sa kapulisan. Kapag nakikita nilang may integridad at propesyonalismo ang mga pulis, mas magiging bukas ang mga tao na makipagtulungan sa paglaban sa krimen at sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga komunidad,” aniya.

Sinabi pa ni Estrada na ang mga ginagawa ni Torre ay patunay na lubos niyang naiintindihan na kailangan na ang reporma sa pambansang pulisya.

Binanggit din niya na suportado niya ang pagsibak sa mga opisyal na mabibigong makasunod sa five-minute response time.

TAGS: Nicolas Torre III, Philippine National Police, Nicolas Torre III, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.