Dagdag P1,000 sa Makati City senior citizens aprub kay Abby Binay
METRO MANILA, Philippines — Pinirmahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang ordinansa na magbibigay ng karagdagang P1,000 sa senior citizens ng lungsod.
Ang karagdagang insentibo ay unang matatanggap pag-upo ni Mayor-elect Nancy Binay sa susunod na buwan.
Nakasaad sa City Ordinance No. 2025-104, ang Makatizen senior citizen na may edad 60-69 ay tatanggap na ng P4,000; P5,000 sa mga nasa edad 70-79: ang mga nasa edad 80-89 ay tatanggap ng P6,000; P11,000 sa mga aabot sa mga edad na 90-99; at P12,000 sa tutungtong ng edad 100 pataas.
BASAHIN: 15% senior’s discount sa kuryente, tubig lusot sa Kamara
Nilinaw naman ng alkalde na ang maaaring makatanggap ng P11,000 at P12,000 ay kinakailangan na Blue Card holder sa nakalipas na limang taon.
Aniya umaasa siya na makakatulong ang karagdagang cash incentive sa pagbili ng senior citizens ng kanilang mga pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.